Ang GCC Grand Tours Visa, na kilala rin bilang GCC Unified Visa, ay isang bagong programa na inilunsad ng Gulf Cooperation Council (GCC). Pinahihintulutan nito ang mga bisita mula sa mga bansang hindi kabilang sa GCC na makabisita sa isa o higit pang bansang kabilang sa GCC gamit lamang ang isang visa sa pamamagitan ng isang simpleng online application. Kabilang sa mga bansang GCC ang United Arab Emirates (UAE), Qatar, Oman, Kuwait, Saudi Arabia, at Bahrain.
Inaasahang katulad ng Schengen visa ang GCC Grand Tours Visa, na kung saan pinapayagan ang mga turista na makabiyahe sa lahat ng bansa sa Europa na sakop ng Schengen gamit lamang ang iisang visa. Ang paggamit ng ganitong makabagong paraan ay inaasahang malaki ang maidudulot na pagbabago sa industriya ng turismo sa rehiyon ng GCC, dahil papayagan nito ang mga turista na malayang makapaglibot hanggang sa anim na bansa, gamit lamang ang iisang visa.
Paano Mag-Apply ng GCC Unified Visa
Bagama’t hindi pa pinal ang proseso at hindi pa bukas ang aplikasyon, sa oras na inilunsad na ang visa ay maaari nang mag-apply ang mga interesadong aplikante gamit ang online application form sa GCC Grand Tours Visa website. Inaasahang magiging madali at mabilis ang pagproseso ng aplikasyon para sa GCC Unified Visa, at narito ang mga sumusunod na hakbang:
Paano Mag-Apply ng GCC Unified Visa
Bagama’t hindi pa pinal ang proseso at hindi pa bukas ang aplikasyon, sa oras na inilunsad na ang visa ay maaari nang mag-apply ang mga interesadong aplikante gamit ang online application form sa GCC Grand Tours Visa website. Inaasahang magiging madali at mabilis ang pagproseso ng aplikasyon para sa GCC Unified Visa, at narito ang mga sumusunod na hakbang:
Kumpletuhin ang GCC Grand Tours visa application form
Sa ilang minuto lamang ay mabilis nang makukumpleto ng mga aplikante ang GCC visa application form online, sa pamamagitan ng GCC Grand Tours Visa portal.
I-upload ang mga hinihinging dokumento
Kinakailangang i-upload ng mga aplikante ang lahat ng mga hinihinging dokumento batay sa nakasaad na pormat sa application form (hal. JPEG, PNG, PDF, atbp.) Kinakailangan ding sundin ang nararapat o itinakdang laki o liit ng mga dokumentong i-u-upload.
Bayaran ang bayad sa aplikasyon
Maaaring bayaran ang bayad sa aplikasyon ng Unified Visa para sa mga bansa sa GCC sa pamamagitan ng debit o credit cards, Apple Pay, o Google Pay.
Isumite ang aplikasyon
Sa oras na makumpleto na ang aplikasyon ng GCC visa at mabayaran na ang mga ito, maaari mo nang isumite ang aplikasyon. Ang naaprubahang unified GCC Tourist Visa ay ipadadala sa email ng aplikante.
Maaari Ka Bang Mag-Apply?
Wala pang opisyal na anunsyo ang kinukumpirma kung sino ang eksaktong karapat-dapat sa Unified Tourist Visa ng Gulf Cooperation Council (GCC). Gayunpaman, inaasahang ito ay para sa mga bisitang pupunta sa rehiyon ng GCC para sa turismo, habang ang mga naglalakbay para sa ibang dahilan, gaya ng trabaho, ay hindi kwalipikado.
Ang mga mamamayan sa mga bansa ng GCC ay hindi na kailangan ng visa, ngunit asahang may ilang mamamayan ang hindi maaaring makapag-apply o posibleng ma-reject ang visa, halimbawa na lang:
- Ang mga indibidwal na ang pasaporte ay may bisa nang mas mababa sa anim na buwan.
- Ang mga indibidwal ay may kriminal na rekord (lalo na yung mga krimeng itinuturing na delikado o mapanganib, tulad na lamang ng terorismo at mga kasong may kinalaman sa droga)
- Mga may nagawang paglabag sa visa noon.
Bagama’t hindi pa opisyal na inaanunsyo, maaari ring ang visa ay para lamang sa mga taong may partikular na nasyonalidad.
Mga Kinakailangang Dokumento para sa Aplikasyon
Bagama’t wala pang inilalabas na buong listahan ng mga kinakailangang dokumento ang miyembro ng mga bansa sa GCC, ang mga nakasaad na dokumentong ito ang inaasahang mga kakailanganin:
Bayad sa Visa at Oras ng Pagpopreso
Hindi pa inaanunsyo ng GCC ang kaukulang bayad para sa visa, pero inaasahang magiging makatarungan ang presyo nito. Gayundin, hindi pa pormal na inaanunsyo ang tiyak na oras ng pagproseso, ngunit asahan ding aabutin lamang ito ng ilang araw. Gayunpaman, ang mga aplikante ay hinihikayat na mag-apply nang maaga bago ang nakaplanong petsa ng kanilang paglalakbay, upang maging handa kung sakaling magkaroon man ng pagkaantala o isyu sa kanilang aplikasyon.
Gaano Katagal ang Bisa ng GCC Grand Tours Visa?
Ang eksaktong tagal ng bisa ng Unified Tourist Visa o ng GCC Grand Tours visa ay hindi pa inaanunsyo, pero asahang sapat ang ibibigay na panahon para sa mga turista na makabisita sa iba’t ibang lugar. Maraming nagsasabi na tinatayang aabot sa 90 araw ang bisa nito.
Inaasahang tatagal ng 30 araw ang tagal ng pananatili sa isang bansa gamit ang visa na ito, alinman sa isa o higit pang bansa sa rehiyon ng GCC. Hindi pa rin malinaw kung kailan maaaring i-extend ang visa.
GCC Grand Tours Visa: Pangunahing mga Detalye
Habang wala pang opisyal na anunsyo ng paglulunsad, batay sa pinakabagong balita ng GCC, inaasahang mailulunsad ang the GCC Grand Tours Visa bago matapos ang 2025.
Ipinakilala ang visa upang tumaas ang turismo sa rehiyon ng GCC, at inaasahang maraming benepisyo ang maidudulot nito sa mga turista at sa mga bansang kabilang sa GCC:
Pinahihintulutan ng visa ang mga bisita na makapaglibot nang mas madali sa loob ng rehiyon ng GCC, nang hindi na kailangan pang mag-apply ng maraming visa. Mas madali at mas abot-kamay na ngayon ang paglalakbay sa pagitan ng mga bansa gamit lamang ang iisang visa.
Sa halip na mag-apply ng maraming visa at magbayad nang mahal sa magkakaibang visa, mas pinamura na para sa mga aplikante ang pagkuha ng visa online at magkakaroon na sila pagkakataong mabisita ang lahat ng anim na bansa sa GCC. Sa pamamagitan nito, mas mura at maginhawa na ang kanilang paglalakbay sa loob ng rehiyon.
Ang proseso ng aplikasyon para sa Unified GCC Tourist Visa ay sa online lahat mangyayari, at inaasahang sa pamamagitan nito ay magiging mabilis at simple ang proseso. Nangangahulugang mas kaunti na ang kailangang gawin ng mga turista sa pagpunta sa rehiyon ng GCC, at mas kaunti rin ang mga aasikasuhing administratibong hakbang na kailangan upang makapag-apply sa visa.
Inaasahan ng GCC Grand Tours Visa na mapalalakas pa ang turismo ng mga bansa sa loob ng GCC at mapadadali ang paglilibot ng mga turista sa nasabing lugar. Ang pagpapakilala ng sistema ng visa na ito ay inaasahang magbubunga ng maganda sa turismo at mapalalakas ang lokal na ekonomiya ng bansa.
Mga Karaniwang Pagkakamali na Dapat Iwasan para Maging Matagumpay ang Aplikasyon
Ang mga karaniwang pagkakamali sa pag-a-apply ng visa ay ang mga sumusunod:
- Hindi kumpletong impormasyon sa application form.
- Mga maling baybay o maling impormasyon sa application form.
- Hindi naibigay ang lahat ng mahahalaga at kinakailangang impormasyon at dokumento.
- Hindi sapat ang bisa ng pasaporte ng aplikante.
- Hindi tumutugma ang mga nakaplanong aktibidad sa aprubadong layunin ng paglalakbay (hal. pagpaplanong magtrabaho habang nasa isang bansa ng GCC)
Mga Kadalasang Tanong Tungkol sa GCC Grand Tours Visa
Maaaring mag-apply ang mga aplikante online para sa Unified GCC visa sa pamamagitan ng aming website. Magbubukas ang aplikasyon sa aming website sa sandaling opisyal na mailunsad ang visa.
Hindi. Dahil kabilang ang UAE sa anim na bansang miyembro ng Gulf Co-operation Council (GCC). Ang mga turistang may hawak ng nalalapit na Unified GCC Tourist Visa (na isinusulong din bilang GCC Grand Tours Visa) ay hindi na kailangan pa ng karagdagang permit upang makapasok sa UAE. Ayon sa kasalukuyang balita, maaaring pumili ang mga aplikante sa pagitan ng:
- Isang multi-country na visa na sumasaklaw sa lahat ng anim na bansa sa GCC (UAE, Saudi Arabia, Qatar, Bahrain, Kuwait, at Oman); o
- Isang single-country na visa na may bisa para sa isang bansa lamang sa GCC na kanilang pipiliin.
Kahit na UAE lamang ang binabalak mong bisitahin, maaari mo pa ring piliin ang multi-country Grand Tours visa kung nais mong dagdagan ang lugar na gusto mong bisitahin sa hinaharap.
Ang opisyal na petsa ng paglulunsad ay hindi pa tiyak, at ang aplikasyon para sa GCC Unified Visa ay hindi pa bukas sa oras na ito. Gayunpaman, ayon sa pinakabagong ulat, inaasahang mailulunsad ang visa bago matapos ang 2025. Patuloy pa rin ang paglalabas ng mga impormasyon tungkol sa GCC Visa, at ang aming website ay patuloy na maglalabas ng mga bagong balita sa sandaling may dumating na karagdagang impormasyon.
Apply for the GCC Visa
The Unified GCC visa is expected to revolutionize tourism in the GCC region and make travel to the region easier than ever. With this visa, travelers can experience the magic of the Gulf region. Be among the first to apply for the Unified GCC Visa when applications open.